Pinaniniwalaan na ang Flores De Mayo ay nagsimula sa Lalawigan ng Bulacan noon pang taong 1800’s. Ito ay ang pista ng bulaklak na ipinagdiriwang sa buong buwan ng Mayo bilang pagbibigay parangal kay Birheng Maria. Bawat isang araw sa buong buwan ng Mayo ay naghahandog ng bulaklak kay Maria para sa kaniyang taglay na huwarang kalinisan at kabutihan.
Bilang tugatog ng selebrasyon ng Flores De Mayo, isinasagawa ang Santacruzan, na isang prusisyon sa huling bahagi ng isang buwang pagdiriwang. Isinasalarawan nito ang paghahanap sa Banal na Krus ni Reyna Elena, ang ina ni Constantino.
Halina na at makiisa! Saksihan ang Bulaklakan 2012 sa darating na Biyernes, Mayo 25, 2012!
No comments:
Post a Comment