Sining at Kalinangan ng Bulacan o mas kilala sa tawag na Singkaban. Ang kasiyahang ito ay pinagdiriwang taon-taon ng lalawigan ng Bulacan tuwing ikalawang linggo ng Setyembre kasabay ng pagdiriwang ng Linggo ng Bulacan. Ang Singkaban ay isang linggong pagdiriwang kung saan pinapahalagahan at binibigyan ng oportunidad ang mga lokal na produkto ng lalawigan upang makilala at mabigyan ng pagkakataon na maipakita na ang produkto at serbisyong galing ng Bulacan ay pwedeng makipagsabayan sa produkto ng ibang lalawigan. Pinapakita rin sa pagdiriwang na ito ang mayamang kultura ng mga Bulakenyo tulad ng Balagtasan, Indakan sa Kalye, at marami pang iba.
Bilang isang Bulakenyo, aking pinagdarasal na maging matagumpay ang pagdiriwang ng Singkaban 2012!
Bulacan, sa Daigdig ay Ibandila!
Singkaban 2012 |
Singkaban 2012 List of Events and Activities |
No comments:
Post a Comment